Make your own free website on Tripod.com
Blog Tools
Edit your Blog
Build a Blog
RSS Feed
View Profile
« June 2012 »
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
You are not logged in. Log in
Entries by Topic
All topics  «
lessons
madaming aral
Monday, 12 May 2008
kung bitin yung una...ETO PA!!!!
Mood:  energetic
Now Playing: chorvalo....
Topic: lessons
Kung nabitin kayo sa previous entry ko…pasensya na… at kung hindi nyo pa nababasa malamang DAPAT nyo nang basahin dahil hindi nyo makikilala kung sino si Sampaguita…kayo rin…

LESSON(para sa mga hindi pa binabasa ang una kong blog):huwag lalaktaw sa blog ni lessongiver…dahil madami kayong lessons na mamimiss...


EHEM! Asan na ba tayo?

Ayun, balik tayo sa akin…sa amin…

Araw-araw na ginawa ng Dios itong linggo na ito walang isang araw na hindi ko naisip ang gumastos…gumastos...kain…net(sa Session)…dota(sa laptop ko)…kain ulet…swiss mocha(bavarian flavor sa Mr. Donut®)…

gastos…gastos…gastos…hanggang sa patayin ko si Piggy…

sino si Piggy?

PIGGY- binili ko sya sa may palengke kasama si TIN (blocm8 ko remember?) , white sya na babasaging baboy bank na may artificial na butas sa ilong(actually artificial sya dahil baka sitahin ako ng mga kamag-anak ni Sampaguita kung may totoo akong baboy sa kwarto), at tuwing titignan mo sya para bang napakabigat nya na gusto mo na syang patayin…

Sa awa naman ng Dios, buhay pa sya…at sa tuwing nakikita ko sya natetemp(natututkso) akong basagin sya…at tuwing nangyayari yun nabibigo ako dahil nakakalimutan kong wood pala ang flooring naming at nahihiya naman akong basagin ito sa labas ng bahay dahil ayokong pagkamalang elementary na magbabasag ng alkansya para lang makabili ng donut…

kahit na ganun talaga ako...college nanaman ako…mejo may hiya na ako….

Drumroll……
“SWISS MOCHA, HERE I COME!!!!..............................................................................................................Ay hindi papala…”-hindi nabasag si Piggy…

Siguro kung nakakapagsalita lang si PIGGY ay matagal na akong pinagmumumura non dahil sa ilang frustrated murders na nagawa ko sa kanya…

pero asa naman sya, wala namang abogado ang mga baboy…

LESSON: wag bibili ng babasaging piggy bank kung kahoy ang flooring ng boarding house mo…madaming mangyayaring kababalaghan sa iyo..iisipin mo pang pwede kang kasuhan ng baboy at kung may abogado ba sya o hindi…kung bibili ng alkansya dapat yung madaling buksan,at wag yung baboy…ok?


Napakasaya talaga nang summer term na ito para sa akin, dahil bukod sa araw araw na paggastos kasama si Tin (blocmate ko,”for the 3rd time”) ay may panahon talaga akong mag aral...

sino ba naman ang hindi magkakaron ng panahon kung iisang subject lang ang eenrolan mo at ang ineexpect mong 2 oras na klase mo araw-araw eh magiging 30-45 minutes pa dahil and sched mo ay 11-1 pm…

natural ,magugutom si teacher…mga bandang 11:37 palang alam na ng pwet ko na malapit na syang umalis sa kinapa-pango-an ng ilong nya, kung may ilong man sya….

maaga ang dismissal…maaga ang lakwatsa…may time kang magaral kahit 2 minutes lang, may time pang gumawa ng mga blog na gaya neto…hahaha…

minsan paguwi ko….

Umalis na si BOARDMATE1...may pumalit sa kanya…lilipat na sya ng boarding house at hind ko alam kung anong kinalaman ni Sampaguita don…basta may feeling akong meron…(ang lupit ko talaga sa kanya,sorry Lord)….

Ang pumalit sa kanya:

(drrrrrrrrrr)-drumroll ito….



COMSCI TEACHER!!! WOOHOO!!!

Tantananan!!!


“Panahon na para maisakatuparan ang mejo maiitim kong mga balakS(plural)…”-(w/tono ni my Precious…)
tamang-tama, Comsci ako…matutulungan nya ako sa mga MP(machine problems) kong madalas ay kinukuha ko lang ang algorithm sa mga mas magagaling sa akin (practically halos lahat sila…cge na nga…lahat na)..

ABA…ABA…maganda ito…BWAHAHAHA…HAHAHAHAH

HAHAHAHAH…

HAHA…HAHA…HAHA?

“haha?”-nagkaroon ng question mark na tono ang tawa ko sa utak ko nang narinig ko to sa kanya:

“nagtuturo lang ako ng Comsci para sa pera, para makapag-ipon…at umalis ng dito sa Pilipinas. Halos wala na nga akong matandaan sa mga pinagaralan ko eh…simula nang nagresign ako sa trabaho nung nakaraang buwan…tinatamad na kasi ako kapag hindi ko talaga gusto ang ginagawa ko….sana naman iba ang makuha kong trabaho sa Singapore…”

Pambihirang patis….parang binulatlat ni Lord ang puso ko non…parang nag implant Sya ng screwdriver sa vena cava ko…

ang dami ko nang balak…na warak pa…
eh ayaw pala magturo…at wala pang matandaan…tinatamad pa…wala to.

“Naku naman Panginoon ko, kung magbibigay Kayo ng pag-asa…pwede bang yung hindi Nyo kagad babawiin?!?!?!”-sabi ng nabulatlat kong puso…na may screwdriver sa bunganga….

LESSON: wag masyadong aasa sa mga Comsci Teachers…madalas talaga ay bibiguin lang kayo ng mga yan…
pwera syempre sila sir Carlo at sir Lymond…
(syempre,blog ito..kahit sino ang pwedeng makabasa…maganda nang safe…)

Haay…kung talagang roommate ko ang lahat ng mga professors ko sa mga major subjects ko…

samantalahin na ang dapat samantalahin!!!

Hindi lang ako sisipsip sa kanila at magpapalakas…kahit higop pa...gagawin ko!!!

“ano po bang kailangan natin jan maamsir?...
footspa po ba gusto yo?
Masahe?
spaghetti?
Masarap ako magluto non…binabalik balikan yun dito sa boarding house, kahit hindi for sale,mabenta…kahit mga hindi invited pumupunta…
Ano po maamsir? Gusto nyo po ba?”- yan ang pagpapakatulong ko kapag may roommate ako na prof or instructor ko…
para naman hindi ako umabot ng 10 years sa UP…
yun eh kung wala nang MRR(maximum residence residency)…hahahah…hindi ko talaga alam ang mga R sa MRR…basta ang alam ko kapag nag-exceed ka sa maximum years na ito…
tanggal ka sa UP…
tanggal ka rin sa mapa ng Pilipinas sa saklap ng mararamdaman mo…

LESSON: wag mag bibigay ng kahulugan ng acronym kung hindi mo talaga alam kung ano yon…(paki IM nga sakin o kaya email…mga peyups jan…salamat!!!)At, matutong magluto ng spaghetti…napaka-helpful nitong skill na to,promise…



Madami pang kwento sa mga susunod kong entries…inaantok na kasi ako eh…wala pang makatext…alas una na kasi….antok na talaga ako…cge….

Alas una…haha…antok na nga…

Takte,biglang nagtext si Tin…

“Lj, alam ko na yung MRR- maximum residence rule…”-pambihira ka,nasabi ko na na hindi ko alam….

HAYAN!!!…bah-bye na talaga for the meantime…

Posted by lessongiver at 8:35 AM EDT
Updated: Monday, 12 May 2008 8:55 AM EDT
Post Comment | Permalink
bakit laptop ang tawag kung masama ilagay sa lap?
Mood:  happy
Now Playing: chorva
Topic: lessons
Magkakacancer ka daw. Ewan ko kung kanino galing yun….Basta maniwala daw ako.

Asa lap ko sya dahil trip ko at komportable ako kapag nararamdaman ng hita ko ang tipak ng pagttype ko.
Kung akala nyo ay isa itong informative at academic na babasahin, nagkakamali kayo, informative lamang…..bahala na kayo kung itutuloy nyo ang pagbabasa…

LESSON: don’t judge an article by its title…

Aba binasa nya,magandang desisyon yan…. natutuwa ako…haha

Simula ng araw ko:maganda,masakit,maganda ulit,at mahapding pagtitis.

Maganda ang gising ko dahil maaga ako natulog…more than 8 hours ang tulog ko, kaya tinignan ko ang chan ko kung malaki na ba dahil sa sobrang haba nga ng tulog ko.


Nag sit-ups ako…

Masakit yon dahil singkwenta ang ginawa ko nang walang humpay na labag sa loob ko….napilitan ako dahil malaki na nga ang chan ko diba?

Natuwa naman ako dahil naalala ko na nag internet nga pala kami ni Tin(blocm8 ko) kagabi at madamidami din ang nakuha kong mga kanta sa imesh…
Gusto ko nang pakinggan ang malakas na piyok ni David Archueta...HAHAHAHA…..

Naalala ko nanaman ang kalakihan ng chan ko…

Bumunot ako ng Nesvita sa box na pinadala ng nanay ko galing Makati (hindi lang Nesvita ang laman non pati na rin mga cereals at canned goods na binili nya sa Cash and Carry)…Nesvita lang ang plinano kong kainin sa umaga dahil naaalala ko ang mga maliliit na mga katawan ng mga nakikita ko sa Preview magazine…

ang sesexy nila(kahit walang boobs)

nakakapanliit….(kahit na mas maliit ang katawan nila sa akin,lumiit ang tingin ko sa sarili ko…basta walang kokontra…nakakapanliit…)

Tiniis ko talagang wag galawin ang cereals na napakasarap at umaapaw sa carbohydrates.

LESSON: wag bumili ng magazine kung titignan lang ang mga modelo…hindi mo makakain ang masarap mong cereals na may cranberry pa…at lalong wag mag dodownload ng music lalo na kung pipintasan lang ang piyok ng isang American idol finalist…masama yan…magagalit si mama Mary.

HAYAN!! nakaligo na din ako….masigasig akong naghintay sa pinakulo kong tubig sa single burner ko dahil bawal ang heater dito sa boarding house sa Baguio…

Pambihira talaga asa BAGUIO ka na nga…bawal pa ang heater…

Pero kapag naligo ka naman ng purong malamig na tubig, para kang sinaksakan ng limang libong anesthesia sa likod at hindi mo na mararamdaman ang kuskos ng loofah mo at baka maubos pa ang balat ko…

cge,pagchagaan ang pagapapakulo…

Lesson: wag ilagay ang UP Baguio sa mga choices ng campus sa UPCAT kung hindi ka taga don at kung walang pambayad sa mahal na boarding house...(kasi hindi ko inakalang papasa ako….)

PAHABOL NA LESSON: wag mag aakalang hindi papasa…have faith…be strong

matapos ang ilang sandali…

Dumating na si “killer smile”…

Killer smile - ang akala kong dating taga alaga lang ng mga batang buwan buwan nadadagdagan dito sa bahay(boarding bahay)…kamag-anak pala ng land lady namin…
kasi naman eh may “inday effect” talaga sya,parang galing kung saang probinsyang binugbog ng ama dahil akalang isa syang pet o alagang baboy….hindi sya cute, promise.


Itago natin sya sa pangalang Rose...
Hindi bagay?
Sige, Sampaguita nalang,hindi gaano maantot sa pandinig pero maantot parin….

Hindi ko mawari kung ilang taon na sya, yung ipin kasi nya, parang hindi pa tumutubo at parang wala na ring tutubo….ewan ko…basta twing tinitignan ko sya, parang may ulam at kanin na lalabas in between ng dalawa nyang natitirang ipen….basta, hindi kanais nais…at kung umarte sya ay daig pa si Charlene Gonzalez sa confidence!!!!!
abay ewan… hindi ako nagiging masama sa kanya…
mahirap ang manghusga…pero mas mahirap ang magsinungaling….
nagiging mabuti lang ako sa kalikasan at sa inang bayan…
maiintindihan nyo rin ako….

teka…

Minsan naririnig ko syang nakikipagusap sa isa pang boarder dito:

Sampaguita: ui, may sesend ako sayong sinnend din sakin…..haay, talaga oo…(kilig effect with smile na pigil ilabas ang gilagid…)

Boarder1(wag magtaka): talaga? Sino naman ang nagsend sa iyo nyan?ayieeee…..


Sampaguita: hindi ko nga sigurado eh…kasi wala yung pangalan nya sa phonebook ko pero,yung taga tapat lang ang binigyan ko ng number ko….
heheh…hala…mukhang magkakaboypren nanaman ako…haay,tlga…iba na ang level ko!!!

Boarder1: Ah cge…congrats sayo…hehe..antay ko yung tinext nya ah…forward mo ah!

Pagpasok so loob ng kwarto…
(May boarder1 kasi may boarder2, may 3 at four pa yun eh…ako si four..)
Boarder1: ate, mukhang magkakaboypren na si Sampaguita ah...
Boarder2: talaga?
Boarder1:oo,may nagtext daw sa kanya na hindi nya kilala ang number..at mukhang yung taga tapat raw..eto nga yung text o, love quote..(pinakita kay ate…)

Natawa muna si ate bago nagsalita..

Boarder2: eh ako nagsend nyan sa kanya eh!

Sabay tawa ang dalawa…at ako’y nanonood lang at nagpipigil ng tawa…dahil bagong lipat palang ako nun….

Hala, ang pantasaya ni bungal….WARAK

Cguro double entry lang ang number ni ate sa phone nya kya ganun…

basta…gets mo ang point ko?Bakit ganun na lang ang tingin ko sa kanya….

Sana naman, sa tulong ng Dios ay mabago ang nilalang na ito…mabilhan man lang ng pustiso…Amen

Lesson:i-check muna ang phonebook bago mag pantasya…At mga taong panget kapag nag feeling maganda…lalong pumapanget…kaya kung maganda ka na..wag ka nang magmaganda pa…baka pumangit ka lang..

Balik tayo sa akin…




pero sa next article na…ayokong masyadong mahaba ang una kong obra…hehe

LESSON: wag masyadong mag expect na may kasunod pa, dahil napapagod din ang mga Comscientists mag type…hindi sila encoders…

Posted by lessongiver at 8:29 AM EDT
Post Comment | Permalink

Newer | Latest | Older